Kakauwi ko lang kahapon galing Mindanao. Ngayon nagkita kami ni Aaron, halatang halata na miss na miss namin ang isa’t-isa. >:D< Sobrang namiss ko yung yakap niya.
- Ang taba ko na raw. Baboy na raw ako.
- Kakain pa naman kami. Sabi niya siya lang daw kakain. Kasi nga ang taba ko.
- Pero syempre di niya matitiis yun, binili niya pa rin ako ng pagkain.
- Sa Inasal kami kumain. Habang umuulan ng malakas.
- Pagkatapos namin kumain, lumusong kami sa malakas na ulan.
- Pumunta kami sa bahay nila. Nagpalit ng t-shirt. Nakahiga kami sa kama habang nanonood.
- Niyayakap ko siya kasi sobrang namiss ko siya. -____- SOBRA! <3
- 3:30 na sabi ko, uwi na ko hatid niya na ko.
- Dumaan muna kami sa mama niya sa baba ng bahay nila.
- Nangayayat yung mama niya, tapos minsan pang puntahan nila Aaron.
- Naaawa tuloy ako, kung ako anak niya. Lagi ako nasa tabi niya.
- Inutusan ako ni tita na maglagay ng movie sa USB para panuorin niya.
- Tinulungan ko siya sa pagbukas ng movie sa laptop.
- Si Aaron, nabadtrip sa speaker. Sira kasi. Tapos masakit pa tiyan niya.
- Sabi niya hatid niya na raw ako. Kaya nagpaalam na ko sa mama niya.
- Hinatid niya ko kahit masakit tiyan niya. Binigyan ko siya ng pasalubong. Hinamon namin ang isa’-isang kumain ng Durian Candy. Hahaha! Niluwa namin pareho. Mumog. Kain candy. Ayon, umuwi na siya (:
Magpapapicture dapat kami nung nakaraang Friday kaso sabi ko sa kanya next friday na lang. Eh kasi naman haggard kasi kami nun, sobrang init kasi. Ang panget naman nun magpapapicture kami tapos pawisan. ‘Di kami prepare.
Tapos ngayon, It’s friday. Sana matuloy na ‘to kasi sa linggo, aalis na kami ng pamangkin ko papuntang probinsya. Gusto ko bago ako pumunta dun eh may picture na kami. Pero 1 month lang naman kami ron. OA ko. Eh kasi mamimiss ko siya ng sobra. Tapos may Myoma pa mama niya, so dapat tutulong ako sa tindahan nila kaso aalis kami. Pagbalik ko na lang sana. Grabe talaga! Bumisita ako kagabi sa kanila. Yung mama niya, namumutla. Sana ok yung operasyon niya. Let’s pray.
BTW, ipopost ko dito yung picture namin kung sakaling matuloy. Have a nice day everyone! (:
Minsan kailangan mong lumayo sa taong mahal mo.
Masasanay kasi yang lagi kang nandyan. Alam rin niyang ‘di ka makakatiis na hindi siya kasama. Tapos ikaw, naghahangad na sana ganun rin siya. Kaya hanggat maaga pa. Umagwat-agwat ka konti sa taong mahal mo. Para sa huli hindi ka masaktan at hindi mo masisisisi sarili mo na puro ikaw ang nakaka-miss sa kanya.
Hindi ko alam kung tama ba yung gagawin ko. Yung lalayo muna ako sa kanya. Yung hindi ako makikipagkita sa kanya bago ako umalis papuntang Mindanao. Nagsimula na ko kahapon pero nagtetext at piniPM ko pa rin naman siya. Dahan dahan ko lang ginagawa. Sa tingin ko nga nahahalata na niya eh. Pano ba naman kasi, pinapapunta ko siya nung Sunday dito samin pag-uwi niya galing sa Mapua tutal maaga uwi niya. Mga 2:30pm na tumawag ako sa bahay nila, ayun siya yung sumagot. Sabi niya 1:00 raw siya nakauwi, nakalimutan niya raw na pupunta siya samin at tatao raw siya sa tindahan nila”. Pero wag ka, online siya 5:00pm. Yun ba ang tumao sa tindahan? Hindi. So tumawag ako ulit, sabi niya “Si Anthony (kapatid niya) na yung tumao”.
Kahapon naman medjo maaga uwi niya, sabi ko sa kanya hinihintay ko siya baka kasi dumaan siya rito sa bahay kaso sabi niya hindi raw siya dadaan, sorry may gagawin pa raw siya. So ako, chill lang. Sabi ko “ahh sige”. Pero di niya alam may plano akong lumayo. Second day na ‘to, nahihirapan akong lumayo. Pero kailangan kong gawin.
Yung binigay ko sayo, binabasura mo.
Hell yeah~ Totoo ‘to. Sa tingin ko di mo binibigyang halaga yung ibinibigay ko sayo. Parang “kalat” lang para sayo. Nakita ko kasi yung binigay ko sayong letter na nakalagay sa red envelope, nakakalat lang sa bahay niyo. Nakita ko rin yung niregalo ko sayo dati na cup na may teddy bear sa loob. Ang dumi na nung bear, hindi man lang nalabhan. Nakita ko rin yung baboy na stuff toy, pinapakain mo lang sa aso niyo. Yung relo, wala di mo naman ginagamit. Nakatabi sa kung saan. Yung rubiks cube naman wala ng pintura. Grabe kasi gamitin, over.
Yung totoo talaga? Ayaw mo ba o basura lang para sayo yung nireregalo ko? Ganyan na ba katindi yung nawala kong singsing (yung flower ring) kaya di mo binibigyang halaga nireregalo ko sayo? Asar.
May nabasa akong tweet ↪”Kapag kaya mong PATAWANIN ang isang lalake, GUSTO ka nun. Pero kung kaya mong PAIYAKIN ang isang lalake, MAHAL ka nun” at tinanong ko sarili ko kung napapatawa ko ba siya? napapaiyak ko ba siya?
And yes, I think tatlong beses ko na ata siyang pinaiyak ewan ko… Yung una nung highschool kami nag-usap kami sa sulok tapos umiyak siya sakin. Nakalimutan ko na yung reason. I guess away namin kasi may family problem na siya nakikisabay pa ko. Yung second nung retreat namin yung sinabi niyang “Mahal na mahal niya pa raw ako” umiyak siya nun sa harap naming magkakaklase at teachers. Swerte ko, pero nagtatanong pa rin ako sa sarili ko kung totoo ba yun o hindi? Kasi feeling ko nun di ko ramdam na pinapahalagahan niya ako hanggang nung mag third na iyak siya sakin kasi nga dun. Yung hindi ko ramdam na pinapahalagahan niya ako at hindi niya naaappreciate yung ginagawa ko para sa kanya. Pero mali ako, narealize ko non nung nag-usap kami at OO pinapahalagahan niya nga ako, mahal niya talaga ako, pinapasaya niya kasi ako… yun nga lang yung ginagawa ko sa kanya ayaw niya kasi nga naman di ba? Babae ka tapos ikaw pa yung nagreregalo hindi yung Boyfriend. So para sa kanya wala siyang kwentang boyfriend kung kabaligtaran yung nangyayari.
Sa kabila ng lahat ng away halos araw-araw na ata yung away namin, napapasaya pa rin namin ang isa’t-isa. Yung tipong pumipick-up line na siya pero para sa kanya at para sakin normal lang yun pero pagnarinig ng iba “Pick-up line yun ah, nakakakilig”. Ang sarap lang sa pakiramdam pagkatapos ng muntikang hiwalayan, binigyan namin ang isa’t-isa ng last chance ng isang buwang walang away. Successful kahit na ginagawa niya pa rin yung ayaw ko pero bumabawi naman siya sakin.
Masasabi kong napapatawa ko siya at minsan napapaiyak ko siya. Pero hindi ibig sabihin nun na kung kaya mong patawanin siya at kaya mong paiyakin siya eh gusto ka na nun at mahal ka na nun. Kung nararamdaman mo namang mahal ka nun hindi mo na kailangan tanungin sarili mo kung kaya mong patawanin o paiyakin ang taong mahal mo.
Hindi kailangan sa isang relasyon laging nagpapakita/nagpaparamdam ng pagmamahal
OLD Class Pictures
First Year… Wala pa ko sa school nila at hindi pa kami. (Natural)
(1st picture/upper left) Malapit sila sa isa’t-isa. Magbestfriend din sila (First year)
Second Year… I exist but then hindi pa kami niyan. Getting to know each other,
(2nd picture/upper right) Look? Ang lapit ko sa kanya, tapos ang layo naman ng bestfriend niya.
Third year… Kami na noong Dec. 7, 2008. Lumalayo na sila sa isa’t-isa dahil nagselos ako. Ehh takbuhan ka ba naman nila sa harap mo. Hindi ka pa magseselos? Duhhh. Landian un teh!
(3rd picture/lower left) Malapit sila sa isa’t-isa. Naisip ko tuloy… “kahit sa picture lang na remembrance malapit tayo sa isa’t-isa” Hahahaha, feeling ko nag-usap? Pero syempre yung cameraman nanadya. Pinaglalapit. Ayokong mag-isip. Ginawan ko lang ng issue.
Fourth Year… Ewan ko lang kung kami pa nung nagkuha ng Class Picture. Pero parang hindi pa. Nagbreak kasi kami. Priority niya daw kasi “pag-aaral” niya. Lumang dahilan naman. Hahaha, nalaman ko dito nun na nagpunta sila sa bahay nung girl. Nagreview daw? Tsk. OK, die both of you.
(4th picture/lower right) Sobrang lapit nila sa isa’t-isa. Ako ang layo. ~____~
Shinare ko lang (= Lahat kasi napapansin ko :P
Yung type mong Girlfriend
- Hindi umiikot sayo ang mundo
- Hindi obsessed sayo
- Hindi nag-aalala sayo, araw-araw
- Hindi binibili ang gusto mo
- Hindi madrama
- Hindi palaging nagseselos
- Hindi ginagawa yung ayaw mo
- Pinapabayaan ka sa gusto mo
- Kayang magalit sayo
- Makakahanap ng iba pag-iniwan mo
- Nagsasabi ng totoo
- Napapasaya ka
- At MAHAL ka
Dalawa lang ang katangian ko dyan. -________- Mahal ka at napapasaya ka
Kung hindi kaya ng mahal mong mag-alala sayo, alalahanin mo na lang sarili mo.
Gusto ko yung nag-aalala sakin yung boyfriend ko, yung tipong pagpapasok, aalis, uuwi, kakain, magtetext o kaya tatawag siya.
Si Aaron kabaligtaran non, hindi siya ganun. Mag-aalala lang daw siya kapag sobrang malayo raw ako… yung di pa raw talaga ako umuuwi, yung nasa ibang bansa raw ako. Yung mga ganun daw, eh nakakainis yun para sakin eh sayo hindi ba? Kasi ginagawa mo sa kanya yung mga ganung bagay… pero siya di niya ginagawa sayo. Yung nag-eexpect kang gagawin niya din sayo yung ginagawa mo sa kanya bilang girlfriend/boyfriend, pero hindi. Mas mabuti pang alalahanin ko na lang sarili ko, mamahalin ko na lang sarili ko. Pero syempre, gusto ko pa ring gawin yun ni Aaron sakin. Ngayon din! <////3
Mahal mo ko o naaawa ka lang?
Naguguluhan ako, hindi ko alam kung mahal niya ko o naaawa na lang siya sakin kaya mahal niya ko? Yung feeling ko ngayon, gusto na niyang makipaghiwalay sakin pero di niya magawa kasi maaaring naaawa siya sakin.
Yun nga kasi, may sinabi akong matindi sa kanya. Feeling ko na naman kasi, di niya pa ko truly tanggap. Honestly naman eh, sino bang taong matatanggap agad agad kung ano ako di ba? yung nangyari sakin di ba? Pero sana kung mahal niya talaga ako, tatanggapin niya kung ano ako at hindi na uungkitin yung mga bagay na yon. Kasi alam niyang masakit sakin pag inungkit pa ulit yun. Kasi ang iisipin ko “Sana di ko na lang sinabi” pero di ako ganun, ayokong mabuhay sa kasinungalingan…
Ngayon, hindi ko alam kung ano ang dapat kung desisyon. Kung kami pa o wala muna o wala na talaga? Ayoko kasing kaya mahal niya ko kasi naaawa lang siya sakin. <///3 Hindi ko alam ang gagawin ko. =/
Lord, bahala na po kayo.